Mga Kuwento ni Lola Basyang (Volume 1)

₱295.00

Severino Reyes

Only 3 left!

Ships within
2-15 working days

nationwide

Dear Books only carries

new & authentic books

for children of all ages

Si Lola Basyang. Ang makikita ng iyong isip ay isang matandang babaeng nakasuot ng saya, may salamin sa mata, nakaupo sa tumba-tumba at nagkukuwento. Ang mga batang nakaupo sa paanan niya ay nag-uunahang makinig sa mga kuwento ng kababalaghan, ng makikisig na prinsipe at maririlag na mga prinsesa, ng mga kabayanihan at mga pakikipagsapalaran sa malalayong kaharian. Pamana ni Severino Reyes ang Mga Kuwento ni Lola Basyang sa mga Filipino, bata man o matanda. Una nakilala bilang manunulat ng dula, isinulat niya ang libretto ng Walang Sugat noong 1902. Siya rin ang nagtatag ng Gran Compania de la Zarzuela Tagala, isang teatrong nagtatanghal sa iba't-ibang panig ng bansa.

Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ay isang koleksiyon ng mga kuwento ng pantasya na angkop sa panlasang Pinoy. Mga kuwentong muling binuhay mula sa matagal na pamamahinga upang magbigay-ligaya sa isang bagong henersyon ng mga mambabasa.

Customer Reviews

No reviews yet
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)